Bakit ba nagiging big deal at kailangan ako pa talaga ang sisihin sa maraming bagay na kung tutuusin e minor lang naman yun compared sa ginawa ng ibang katrabaho ko?
Katulad na lang kanina pinagalitan ako kasi nagdelete ako ng evaluation. Siniguro ko naman na isang duplicate evaluation lang nailagay ng kasama ko at since NAKITA ko na rin naman, tinanggal ko na. Huli na rin naman para sabihin ko pa sa boss ko ang nangyari kasi nakapaggenerate na siya ng report. Naiintindihan ko rin naman na maaapektuhan yung QA scores sa report pero ano bang dipirensya kung hindi ko dinelete yun? Kadalasan pa nga after mabigay yung report dun pa kelangan magdelete. Masaklap pa e ang magdagdag ng evaluations na hindi naisama from previous week.
Aminado naman ako na dapat "sinabi" ko pa rin sa boss ko ang nangyari. Pero uulitin ko, ano ba ang diperensya? Magsusumbong ako dahil sa maling nagawa ng katrabaho ko? Susumbatan na naman ako ng katrabaho ko at sasabihing, NAKITA ko na nga, hindi ko pa inayos na sinabi ko lang naman sa kanya DAHIL may mali dun sa ginawa nya. Kung tutuusin din responsibilidad nya yon, nagkataon lang na nakita ko kasi concerned ako at magiging inaccurate ang reports ng department namin. Pero anong nangyari? Ako pa ang mali. At ako pa ang pinakamali.
Minsan hindi nadadaan sa tenureship ang galing. Hindi porket matagal ka na sa trabahong pinagtatrabahuhan mo e masasabi mo nang magaling ka na. Oo nagiging pamilyar ka na sa mga bagay na naeencounter mo pero maaari ka pa ring magkamali. Marami ng professionals ang nakaranas nyan.
Tao lang ako.
Kahit pa sabihin ng ibang tao na kelangan maging perpekto ka, kahit anong gawin mo hindi mo magagawa yun. Oo sasabihin ng iba na hindi naman hinihinging maging perpekto. Pero kalahati ng nasa isip mo ay ganun na nga ang expectations nila kasi nga matagal ka na sa ginagawa mo.
Sawang sawa na rin ako sa pasa-pasa ng trabaho. Hindi ako sanay sa totoo lang. Parang nagtuturuan kami kung sino ang magtatrabaho. Hindi ba pwedeng magvolunteer na lang agad? Parang ang nangyayari pa magiging guilty ka pa kasi binigay mo sa kanya yung task. Masaklap pa e kung hindi nagawa ng ayos. Pag sinabihan mo naman kung pano ang gagawin, lalabas pa na ikaw ang masama kahit tinuruan mo na siya.
Badtrip talaga.